Tuesday, December 2, 2014

Istorbong Videoke Machine



Istorbong Videoke Machine






Likas na sa ating mga pilipino ang pagkahilig sa pag-kanta lalo na at napapasabay tayo sa mga awitin na naririnig natin sa radyo. Isa rin ako sa mahilig kumanta gamit pa noon ang Karaoke at ngayon dahil sa medyo hightech na nariyan na ang Videoke.



May maganda at masama rin naidudulot ang Videoke Machine. Una nariyan ang paghasa ng ating boses at maging isang sikat na singer sa darating na panahon. Ang videoke machine ay ginagamit sa mga okasyon. Tulad ng Birthday, Binyag, Team Building at marami pang iba okasyon.


Makikita ang videoke machine sa mga lugar na mahihirap katulad ng squatters area. Sa mga mayayaman o nakaka-aangat lang sa buhay para hindi sila makaabala sa ibang tao at kapit-bahay, nakalagay ito sa isang kwarto (soundproof) na tanging sila lang ang nakakarinig.

Sabi nga ng matatanda, ang lahat ng bagay ay masama. Kadalasan ang videoke ay pinagmumulan ng krimen sa ating bansa lalo na dito sa kalakhang Maynila.

Sa mga mahihirap lalo na sa Squatters Area ganito sila:
  1. Sa mga nag-iinuman sa bahay man o sa beerhouse. Nariyan ang Killer Song na "My Way" dahil sa pagiging sintonado at pagkakaroon ng pustahan na nauuwi sa malagim na krimen.  
  2. Malakas na volume ng videoke halos buong barangay ang nakakarinig. 
  3. Kung kelan gabi saka mag-vivideoke hanggang madaling-araw ang kantahan.
  4. Walang pakialam sa mga may trabaho, nag-aaral at iba pa gagawin para bukas.
  5. Ang mahalaga lang sa kanila yong sila lang ang masaya, paano naman ang iba.
  6. Mula lunes hanggang linggo ang kasiyahan nila akala mo araw-araw Fiesta.



Sa Davao City, hanggang 9:00 PM lang pwede ang Videoke. May kaparusahan na kapag lumagpas sa oras na itinakda. Sana ganito rin ang gawin sa buong Metro Manila. Dapat ang mga taga-Barangay mismo ang siyang magsasagawa ng Curfew sa kanilang nasasakupan.